Current Article:

Para Sa Mga Millennial na Kababaihan

Para Sa Mga Millennial na Kababaihan
Categories Relationships

Para Sa Mga Millennial na Kababaihan

Una, para sa mga wala pang karanasan sa pag-ibig
Single since birth kumbaga
Wag kayong maniniwala sa mga nagsasabing “walang forever”
Mga bitter lang sila
Kasi yung mga nagsasabi ng “walang forever, maghihiwalay din kayo”
Sila yung mga umibig, nasaktan, niloko, iniwan
Akala kasi nila “sya” na si “the one”
Ayun nabudol-budol, tuloy luhaan

At please lang wag rin kayo maniniwala na lahat ng lalaki manloloko
Babaero, playboy, hokage, timer, manloloko
O kahit ano pa yang stereotyping na naririnig mo
Hindi lahat ng lalaki parepareho
Oo may mga loko-loko
Pero nandirito pa rin kami, kaming mga gwapo

Biro lang, pero seryoso
Wag mong itutulad yung love story mo sa love story ng iba
Kasi yung kwento nila ay di katulad ng kwento mo
At yung istorya mo ay di tulad ng istorya nila
Kasi yung setting, plot, characters, timing, pati yung moral lessons ay magkakaiba

Pero pano mo nga ba malalaman kung “sya” na yung tamang tao
Actually marami ng libro ang naisulat ukol dito
At kulang ang tulang ito para ikwento sayo
Well, sabihin na lang natin naraming qualifications, maraming punto

Pero sya dapat ay handang maghintay sayo
Umulan, umaraw, di nauubusan ng oras parang relo
Sya yung panyong magpapahid ng mga luha mo
Sya yung tsokolate na magpapatamis ng mga araw mo

Sya yung kumot na tatalukbong sayo pag malamig ang gabi
Sya unan na pwede mong sandalan, di aalis sayong tabi
Sya yung kapeng matapang, handa kang ipaglaban at gigising sa mga senses mo
Sya yung gatas na magpapahimbing sa mga tulog mo

Hindi sya guidance counselor pero pauulanan ka nya ng mga payo’t paalala
Kase sya yung payong mo sa t’wing uulanin ka ng problema
At dahil advanced ako mag-isip uunahan na kita, di sya perpekto
Pero maniwala ka na meron pang mga gantong uri ng tao

Maniwala ka rin na ikaw na isa sa 10 bilyong tao sa mundo
Ay makatatagpo ng tamang tao
Sa tamang lugar, araw, oras, sa takdang minuto
At pag nakita mo na sya sa hinaharap
At kayong dalawa’y nagkaharap
Malalaman mong totoo ang mga sinabi ko’t magiging masaya kayo pareho

At para naman sa mga “in a relationship” dyan
Na yung man of their dreams ay kanila ng natagpuan
I hope and pray na makilala nyo pa ang isa’t-isa ng lubusan
Para pagtapos ng pagharap sa altar wala ng gulatan

Na si misis ay di pala marunong maglaba
Na si mister ay wala palang alam sa kusina
Siguraduhin lang na bago patunugin ang kampana ng kasalan
Ay sigurado na kayo na sya ang gustong makasama sa ginhawa’t kahirapan

At kaway kaway din sa mga “na-single” nating tropa dyan
Na ang motto lately ay umibig nasaktan nagbabasa ng hugot lines
Pilit at pinipilit balikan ang sakit na dulot ng nakaraan
Anung ginagawa mo? Nagpapakamasokista ka nanaman.

Pero teka hindi mo ako kalaban
Hindi rin kita inaasar o anupaman
Naiintindihan kita
Dahil tao lang din ako
Naranasan ko ring masaktan minsan

Oo masakit ang lokohin
Masaktan iwanan at ang maging sawi
Pero mas masakit kung di ka na makakabawi

Hindi naman masamang balikan ang nakaraan
Wag mo lang patatagalin ng 10 minutes, magkakastiffneck ka nyan
Matutong mag move forward kaibigan
Lakad lang kase patuloy ang laban

Araling bitawan ang bigat na dala
Wag mo nang ilaban pa yung nadarama
Hindi naman kase lahat ng sugatan ay tama ang nilalaban
Kaya ka mas nasasaktan kasi ayaw mong bitawan

Wag mong sariwain
Sa halip, sa hinaharap ka na tumingin
Magsikap na sarili’y pagbutihin
Magfocus sa mga goals, sayong mithiin

At bilang pangwakas, sa mga kababaihan ng milenya
Isang tip lang, bago ka magjowa, unahin ang pamilya
Sabi nga sa isang facebook post na nabasa ko
“Bago mo sundin ang sinisigaw ng puso mo…
Sundin mo muna ang sinisigaw ng nanay mo”