Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Malinaw na kung saan ka natagpuan
Ay isang lugar na wala naman akong masyadong dapat asahan
Maaaring sabihing nasanay na din nga
Ngunit di pa rin natuto na

Marupok ang bakod na nagawa
At sa mga ngiti ay nahulog na
Ang pagkakaibigang inialok kinagat pa
Di inaasahang mansanas na may lason nga

Pinilit tumalikod at umayaw
Lalo nang makitang ikaw
May iba nang katuwang sa sayaw
At ang ito ay di maglilinaw

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Laging ang masaya naman tayo di ba
Ay bangin na mahuhulog ka lang
Pag tumalon at nagpaubaya
Hindi ito turnilyong kusang kumakawang

At nang biglang tila ikaw pa ang nagising
Napagtantong pag nag alanganin
Madali naman ang ako nga ay iwan
Mga pangako ay kalimutan

Madami na akong naiiyak
Naisabay na sa pagluha ng mga ulap
At sa huling I’m Sorry at Ok. Cge mo
Sana naging masaya ka man lang.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required