Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Syempre, darating ang mga araw na ganito
Iisipin ko na mukhang inabandona mo na ang mundo
Syempre, sanay ang oras sa pagmumukmok
Nahanap mo na ba ang iyong sulok?

Syempre, hindi magiging madali ang ganito
Pero iniisip ko na kailangan para sa’yo
Marami ka pang puwang na iiwan,
Syempre, handa naman ako sa kasalukuyan

Syempre, hihintayin kita
Alam na alam ko ang pwesto kung saan kita makikita
Magpapantay pa ba ang ang ating mga lakad?
Syempre, ang pag-ibig naman ay nagbigay ng pakpak na papunta sayo ang paglipad

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Syempre, aantayin ko ang muli mong pagkabuo
Hihintayin ko ang iyong mga ngiti at halakhak na bibo
Syempre, wala naman akong ibang pupuntahan
Dalangin ko lang ang kapayapaan ng iyong kalooban

Send me the best BW Tampal!

* indicates required