Current Article:

Patawad, naging duwag ang prinsesa mo

Patawad, naging duwag ang prinsesa mo
Categories Confessions

Patawad, naging duwag ang prinsesa mo

Hi,

Kamusta ka na? I hope you’re doing fine.

I don’t know where to start

I want you to know a lot of things before it gets too late for me

Natakot kasi ako nang sabihin nila sa aking…

“Sana hindi pa huli ang lahat kapag handa ka nang sumubok sa giyera”

“Kumilos siya noon, sana…ikaw naman ngayon”

Inside that ‘2 years’ please believe me when I say “minsan kong nakita ang iyong halaga at hindi napigilang mahulog sa bangin”

Pasensya na. Patawad. Dahil imbis na katapangan ay kaduwagan ang pinairal ng Prinsesa mo. Piniling manahimik at tanging pagsilay mula sa malayo ang nagawa. Natakot ako, dahil buong buhay ko inakala kong kailanmay wala ng tao ang magkakagusto sa isang tulad ko. Hindi maganda, may attitude problem at immature. Hanggang dumating ka sa buhay ko. It was one of the precious moments in my life.

Pero wala na, nasaktan na kita ng hindi ko naman ginusto. Nagawa ko na ang huling bagay na hindi ko gustong gawin.

Nasanay ako ng ako lang lagi, kaya sobrang tibay ng bakod na nagawa ko. Sa sobrang tibay niya naitaboy kita.

Alam ko, inaamin ko, kasalanan ko rin naman. Totoong nasa huli ang pagsisisi.

Pero sana ngayong handa na akong harapin ang pagkakamaling nagawa ko noon…Sana hindi pa huli ang lahat para tanggapin mo paghingi ko ng tawad.

Ayaw na sana kitang guluhin. Pero dahil nabali ang sariling batas na ako mismo ang gumawa (at iyon ang ‘wag makasakit ng iba) ayaw kong mamuhay na puno ng pagsisisi. I wan’t you to know all of these before I restart to make myself a better person again. I don’t wanna be left with regrets in life may it be small or big.

Ayos na ako kapag tinggap mo ang pagpapatawad ng Prinsesang ito. Pagkatapos nito nais kong magpatuloy ka at piliin ang mga bagay na magbibigay kasiyahan sa iyo. Wala akong ibang hiling kundi ang ikabubuti at ikasasaya mo.

Pasensya na at inistrobo ko ang nananahimik mong buhay.

Patawad kung nagulo ko kung kelan ayos na

Hindi ko alam kung nahuli na ba ako ng panahaon. Pero kahit gaano man kahuli, hihingi pa rin ako ng kapatawaran. Ayos na ako doon. Masaya na ako.

Salamat dumating ka sa buhay ko at salamat sa pagtanggap.

Hanggang sa muli,

~Princess Eli