Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Ang alam ko lang, I want to vent out. Sa dami ng bashers ko kasi napaka-emo ko daw, hindi ko na alam saan ako lulugar.
Malungkot. Masama loob. Yan ang nararamdaman ko. Pero hindi pwede magpost basta basta. I-contain ang nararamdaman kumbaga. Dahil isang maling post, madami nanaman ang tataas ang kilay.
Sabi nga nila, “You can’t please everybody”.
“Hindi lahat ng maganda kelangan mo ipost dahil meron dyan, naiinggit sayo.”
“Kung ano-ano pinopost mo. Maglibang ka nalang.”
Nasasaktan ako. Dahil kahit kapatid ko at magulang ay walang suporta.
Minsan, gusto ko nalang magpakamatay. Dahil pakiramdam ko, wala akong kwenta.
Kahit anong sikap ko, anong sipag ko – walang nakakarecognize. Ako mismo sa sarili ko in doubt na kung malalagpasan ko pa ba to.
Madalas nang sumakit ang ulo ko kakaisip. Kakaisip kung ano ba talaga. Overthinking. Overanalyzing.
I ain’t good enough.
I will never reach my goals.
Nobody loves me.
Yes, too emotional. Enough to break my sanity.