MISS NA MISS NA KITA, BUMALIK KANA PLEASE

88

NARANASAN MO NA BA, SA ISANG TAONG MAHALAGA,

SA BUHAY MO SIYA LANG WALA NANG IBA,

NASANAY KANG LAGI KAYONG MAGKASAMA

SA ISANG IGLAP MAGKAKALAYONG PANSAMANTALA

ISANG BUWAN AT KALAHATI

ANG PAPALIPASIN PARA MAKITA KANG MULI

DURASYUN NANG TAGAL,

TAGAL BAGU KA MAKITANG MULI MAHAL

SA IYONG PAG ALIS, 

PILIT PINIPIGIL AKING PAGTANGIS

NGUNIT SA AKING PAGPIGIL,

TILA BAGA LUHA’Y NANGGIGIGIL

GUSTONG KUMAWALA

SA AKING MATA’Y DUMADALOY NANG KUSA

UNTI UNTI KONG NARARAMDAMAN

PAGPAHID NANG LUHA’Y BATID MONG AKO’Y NASAKTAN

KAHIT ALAM KONG IKA’Y BABALIK DIN NAMAN

NGUNIT DI KO MAIWASANG MAGDAMDAM

NASANAY AKONG LAGI SA IYONG KANDUNGAN

PAANU NA ANG MGA GABING WALA KA,

SA PAG GISING KO SA UMAGA

MUKHA MO’Y DI KO NA MAKIKITA

MGA LABI MONG MAPUPULA

AT MAAMO MONG MUKHA

MAPUPUNGAY MONG MGA MATA

MATAGAL KONG DI MASISILAYAN SINTA

MGA PANAHONG TAYO’Y MAGKASAMA

PAULIT ULIT NA IPINAPAALALA

LALO AKONG NAHIHIRAPAN

SA PAGDAAN NANG PANAHONG DI KO LUBOS MAISIPAN

NA DARATING ANG PANAHONG

TAYO’Y MAGKAKAHIWALAY PAMINSAN MINSAN

IKAW ANG MUNDO KO, IKAW ANG BUMUBUO

BUMUBUO NANG BAWAT ARAW KO

SA UMAGA PAG GISING KO

KAHIT LAGI KITANG INAAWAY AT PALAGI AKONG NAGTATAMPO

HINAHANAP HANAP KITA GILIW KO

SA MGA PANAHONG TAYO’Y MAGKALAYO

HANGAD KO ANG KALIGTASAN MO

WALA MAN AKO SA TABI MO

PARA ALAGAAN KA AT IPAGLUTO

LAGI MONG TANDAAN DI KA NAWAWALA SA AKING ISIPAN

NAKAUKIT SA AKING PUSO KAILANMAN

ITO AY TOTOO AT WALANG HALUNG BIRO

KAHIT TAYU MAN AY MAGKALAYO

DI KO MAN ABOT ANG MGA KAMAY MO

HAWAK HAWAK MO NAMAN ANG AKING PUSO

ARAW ARAW KONG PAKAKAINGATAN

PAGMAMAHAL NA IYONG PINARAMDAM

ITO ANG PANGHAHAWAKAN KO

HANGGANG SA PAGBALIK MO SINTA KO

SA PAG DAAN NANG ARAW, LAGING BILANG BILANG NANG AKING KAMAY

SADYANG DI AKO MAKAPAG-ANTAY

SA IMAHINASYON KO MULING NAGPATANGAY

MAGKASAMA NA TAYONG MAGKAHAWAK ANG KAMAY

SADYANG DI AKO MAKAPAG ANTAY

KUNG PWEDE LANG SANANG HATAKIN PALAPIT

AT NANG ARAW AY MAPABILIS

MISS NA MISS NA KITA, BUMALIK KANA PLEASE

I LOVE YOU MISTER KO