Tuwing mag-isa na lang ako, bigla ka nalang sumusulpot sa isip ko. Tapos kukunin ko yung cellphone ko, titignan ko ng paulit-ulit yung mga larawan mong ninakaw ko pa sa facebook mo. Minsan napatanong nalang ako sa sarili ko,
“Baliw na ba ako?”
At ang sagot dun ay oo.
Baliw na nga ako sayo. Kasi kahit wala akong katabi, napapangiti nalang ako habang tinititigan ko ang mga larawan mo.
Siguro hanggang pangarap nalang talaga kita. Isang pangarap na ang hirap abutin. Isang gabing nakatingala lang ako sa langit at pilit inaabot ang mga bituin. Nagbabakasakaling ikaw ay maabot ko rin.
Kaso ang layo mo. Di ko abot ang mga naabot mo. Minamahal ka ng buong mundo. Minsan ginusto ko rin na mahalin ka kagaya ng pagmamahal na inaalay nila para sayo, kaso ang labo. Malabong mangyari ang gusto ko. Kasi hindi mo naman nararamdaman yung mga nararamdaman ko para sayo.
Minsan nga gusto kong subukan. Kahit pa parang nanghuhuli ako ng bituin sa kalangitan. Kahit sa panaginip man lang ika’y aking mahagkan.
Kahit na imposible.
Ang sarap siguro sa pakiramdam na andito ka ngayon saking tabi para hindi na man ilusyon lahat ang nangyayari. Tapos kakantahan kita nung paborito mong kanta habang nakapikit ang iyong mga mata. Ito lang kasi ang paraan na alam ko para maisigaw sa buong mundo na ika’y mahal ko.
Alam ko naman sa isip ko na hindi lang naman ako yung taong nangangarap na mapasayo. Nakakahiya nga eh kasi sa itchura ko pa lang, talbog na ako. Sa standard mong yan, alam kong di na ako pasado. Pero kahit ganon patuloy parin ako na umaasa sayo.
Patago nga lang.
Pero okay lang yun, masasanay din ako. Siguro nga sakin ka pero hindi ako para sayo. Kahit pa sabihin natin na ang mga bituin ay ginawa ng Diyos para sa mga tao.
Habang nakatingala ako ngayon sa mga ulap, lagi kong isinasaisip na hindi masama ang mangarap. Hindi ko man masabi sayo na gusto kita sa modernong paraan na gusto mo, nababasa naman ng buong mundo tong liham na isinulat ko para sayo. Masaya na ako na masaya ka sa kung anong meron ka ngayon.
Hindi naman ako nagmamadali at mas lalong hindi kita pinipilit na bumaba diyan sa pwesto mo para lang maabot ako. Handa kong hintayin ang tamang panahon. Handa akong mangarap ng paulit-ulit. At handa rin akong bumitaw kung sakaling mahanap mo na yung taong magpapasaya sayo.
Once an author said, “You are like a star in the sky. That even though how hard I stretch my hand; you are still beyond my reach. But hoping someday, that star would become a shooting star and will fall for me in the right time, in the right place, and in the perfect will of God.