Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Naalala mo iyong magkasama tayo, buti naman ang sagot mo “Oo”. Alam ko hindi lahat ay tungkol lang sa dalawang tao na nahulog sa isa’t-isa tapos kikiligin ka ng ilang linggo, araw at minuto. Iyong huminto mundo mo, at parang siya na ang tinuturo na para sa iyo. May “Magical effect” Na tila “Slow Motion” sa pelikulang napanood ko o “Fast Forward” sa librong nabasa ko. Lahat ay may kanya-kanyang kwento, may simple lang pero totoo at meron din naman parang sa nobela lang nangyayari ito. Pero teka lang maiba ako, bumalik tayo ng unang beses na iba na ang tingin ko sa iyo. Noong una naman normal lang ako nakikipag-usap sa iyo. Katunayan nga hindi ko naisip na pwede pala ang sinasabi nila na bagay tayo. Seryoso, ikaw din ba napaisip din tungkol dito. Pero hindi kita pinipilit na mag-isip ng kung ano, ang akin lang masaya na ako sa anong meron tayo. Ayaw ko na magkaroon ng ilanggan kung sakali na ako lang pala ang may iba ng nararamdaman para sa iyo. Masaya lang ako na tuwing magkausap tayo, totoo ka sa lahat ng sinasabi mo, hindi ka takot magsabi ng nararamdaman mo. Iyong bang walang filter at parang pamilya ang turing mo – alam ko kung naiinis ka, galit o dami laman ng isip mo. Ito namang si ako, nakangiti lang habang nakatingin sa iyo. “Wait lang ha”, nakikinig ako, nakakasunod ako sa kwento mo iyon nga lang kaya ko lang talagang pagsabay-sabayin ang pakikinig sa iyo at sa puso ko. Natatawa ako sa sarili ko kasi iyong simpelng pagbuka lang ng bibig mo, ngiti mo kapag nagkwekwento o iyong tingin ng mata mo, feeling ko daig ko pa ang nanalo sa loto. Ay hindi naman ako tumataya pero bakit feeling ko daig ko pa nanalo. “Opps… nasa sarili pa ako aha, normal pa naman ako, sige lang kwento ka lang nakikinig ako!” Ito ata ang relasyon na pangarap ko, totoo, walang tinatago sa isa’t-isa, sa iba at hindi natatakot na baka mahusgahan ng ibang tao. Ang sarap ata ng parang magkaibigan tayo, nandoon ang respeto at hindi sobrang takot na baka hindi ka totoo o seryoso. Parang inihanda ako at inayos muna ng Lord ang puso ko baka kasi kung agad kang dumating hindi tayo magkakasundo tulad nito. Aso’t pusa siguro tayo kasi ayaw nating magpatalo o hindi naman kaya masyado tayong tahimik na hindi na tayo naguusap pa ng kahit ano. Ngayon, hayaan lang muna natin na ganito. Ok lang ako sa ano tayo ngayon, walang expectation, walang pressure, walang late night convo, walang demands. Basta if magkita tayo naguusap tayo at kung may balita ka nagbibigay lang tayo ng opinyon at minsan solusyon at higit sa lahat napapalakas natin ang isa’t-isa. Kung sakali sa isang bukas pagising ko nagreveal na din si Lord sa iyo baka doon pwede na tayong umupo ulit at handa na sa bagong kwento… Tara hot coffee, donut saan tayo sa susunod!