Bulag

82

Nakikita mo naman diba?

At kahit saan ka lumingon lagi mo itong masisilayan.

Sa nanay at tatay mo, sa ate at sa bayaw mo

Pero bakit hindi mo makita?

Katulad lang ito sa pinapakita ng mga love team sa paborito mong koreanovela.

Parehong kilig lang naman sa tuwing nagngingitian sila sa isa’t isa.

Wala namang pinagkaiba diba?

Sa iba’t ibang kahulugan ng pag-ibig, iisa lang naman ang kahulugan at lahat ay tutungo sa salitang pagmamahal.

Pero bakit hindi mo makita?

Sa sobrang pangkarinawan nito sa paligid mo wala kang imik.

Obvious na ito, ni isang lingon wala ka.

Taon na ang binilang walang sulyap galing sayo.

Alam ko gusto mo ito makita.

Alam ko gusto mo ito ang ganitong klaseng kilig.

Alam ko gusto mo itong maramdaman.

Alam ko….

Pero alam ko gusto mo itong gawin sa ibang tao.

Hindi sakin………….