Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi!
Kmusta ka na?
Sana maayos ka,
Sana masaya ka,
At sana alam mo na
Mahal pa rin kita.

Mali man ang lahat ng nangyari,
Mali man na ikaw pa rin ang dahilan ng
bawat mga ngiti,
Pero nais kong malaman mo na,
Mula sa simula,
Hanggang sa mga huling salita na binitawan natin sa isa’t isa,
Ramdam kong ang lahat ng meron sa atin,
Lahat ng mga bagay tungkol sa atin,
Ay magtatapos na. Pero minahal pa rin kita.

Kmusta ka na?
Sana maayos ka,
Sana masaya ka,
At nais kong malaman mo na
Sa kulungan ng pag-ibig ko sayo ako’y
Malaya na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Oo, mahal kita.
Minahal kita.
Naging buo ako dahil minahal kita.
Nangarap ako kasama ka.
Minahal kita dahil tinanggap mo ako mula ulo hanggang paa,
Dalawang pusong sumubok,
Dalawang pusong naging marupok,
Patawad dahil sa buhay mo ako’y kumatok.

“Oo mahal kita”
Mga salitang ngayo’y magiging alaala na,
Alaala ng mga panahong sumubok tayo,
Alaala ng mga panahong pula pa ang mga puso,
Alaala ng mga panahong tayong dalawa lang at ang mundo.
Mga alaalang habambuhay kong dadalhin,
Mga alaalang sapat na ang ikaw at ang hangin.

Hi.
Alam kong maayos ka,
Alam kong masaya ka,
Nais kong malaman mo
Na ang lahat ay alaala na.
Ang dalawang pusong sumubok at naging marupok,
Ngayo’y lilipad at malaya na.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required