Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Isang dapit hapon nang kita’y makita
Pansin ko ang sigla sa iyong mga mata
Nakakatawa pero may dumaan na namang sakit
Tila puso’y hindi na nasanay kahit paulit-ulit

Makaraay nakita ko rin sya
Pagod ma’y di maikaila ang kanyang tuwa
Dala ang ngiting ikaw ang dahilan
Kailan pa kaya ang sakit ay lilisan?

Maaring totoo ang sabi- sabi,
Na ang pinakamasakit na pag-ibig ay ang hindi nangyari
Kung alam ko lang na magiging ganito
Sana’y di na pinigilan tong puso

Ang maramdaman ang pag-ibig mo’y tanging pangarap
At sa bisig mo, ako’y iyong yakap
Magkasamang umindayog sa lalim ng mga ilaw
Ngunit mahal, sa panaginip nalang pala kita maisasayaw

Sa buhay, maraming hindi sigurado
Ngunit sa yugtong ‘to, isa lang ang alam ko

Sa habangbuhay natin, kailanmay di kita makakapiling
Kaya magkita nalang tayo sa aking panaginip