‘love is patient and kind’
Ano ba talagang kahulugan ng love?
Natawa tuloy ako ng maalala ko nung first time na magkaroon ako ng crush. Gustong- gusto ko sya lage makita. Kilig factor nga. Everytime na tumitingin sya sakin. Hay, para akong lumulutang sa ulap. Pero nung nalaman ko na may iba syang crush, it makes me feel so bad. Hindi ko alam kasi bata pa ako, akala ko pagmamahal na ang nararamdaman ko.
Love, love, love, sobrang mahiwaga. Daming naloloko, nababaliw, nagpapakatanga, the worse, humahantong sa depression. Ganun nga talaga. Hindi ka pwedeng maging makasarili at hindi pwedeng ikaw lang nagmamahal. Kasi ikaw din ang talo. Diba?
Habang nagbabasa ako sa comment box ng isang page sa facebook, nakita kong iba iba talaga ang pakahulugan ng tao sa pag-ibig. Sabi kasi ng nagcomment, nasasaktan daw sya kasi nakipagbreak sa kanya ang girlfriend nya. Take note, girlfriend sa text or chat.. Imagine 8years na silang mag-on sa chat. Sa 8years na yun, kung sa pag-aaral, baka doktor na sya. Madaming taon ang nasayang nya para sa mahal daw nia na hindi pa nya nakikita eversince. See? Pagmamahal daw un? Ang daming tao na pagdating sa love ay nawawala sa sarili lalo na kapag tinamaan ng heartbreak. Hindi ko sinasabi na perfect ang love story ko, pero nalaman ko yung dahilan kung bakit marami paring nasasaktan sa mga pinili nilang mahalin.
Sakit na dulot ng love. It hurts. I know. I felt that before. Masakit talaga kapag iniwan ka ng taong mahal mo, ng taong nagpapasaya sayo. You’re not ok, you’re trying to be ok, it hurts, masakit, masakit na masakit. Yung feeling na parang nag-iisa ka. Yung parang ikaw lang ang nakakadama ng nararamdaman mo. Lagi kang umiiyak, nag-iisip, tulala. At first, yes, napakasakit. Kasi inisip mo na sya na. Pero nandun yung lessong iniwan sayo ng pain na yun para magpatuloy ka.
Yun nga eh, iba-iba ang love story. Binigyan tayo ng Diyos ng kalayaan na mamili. Kung gusto mo nang maraming sikot-sikot, magmahal ka ng marami. Kung gusto mo naman ng madrama, magmahal ka ng mali. Kung gusto mo ng maganda, hintayin mong ibigay sayo ng Diyos ang right person.
Para sakin, ang dahilan kung bakit maraming nasasaktan is nagmahal sila ng wrong person, in a wrong time. Kasi God made us a wonderful love story. Matuto tayong maghintay. Wag tayong magmadali. Minsan kasi sa pagmamadali natin, na parang mauubusan tayo ng mamahalin sa mundo, ay wrong person pala ang napili natin, na nagiging dahilan para masaktan tayo. God gives us a right person, in a right time.
A right person. Kailangan natin ng prayer for this person. Yung binigay talaga ng Diyos para satin. Minsan kasi nagiging bulag tayo, alam nang kabit, sige parin. Nagmamahal tayo ng taong hindi tayo mahal .Umaasa tayo sa wala. Ang masakit pa, ibinigay mo lahat, wala ka nang itinira sa sarili mo sa taong hindi naman para karapatdapat. Wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa mga taong walang ibang gawin kundi saktan ka. Wag kang mapagod magpray. Wag kang mapagod magtiwala. Dahil darating yung time na ibibigay ng Diyos ang karapatdapat na tao para sayo.
A Right time. Ikaw ang magdedecide kung kailan mo gustong magmahal. Pero dapat mong isipin kung nasa tamang panahon na ba para magmahal. Minsan sa kagustuhan mong lumigaya agad, marami kang nasasaktan. May nagsabi sakin na, ‘sundin mo ang isip, wag ang puso. Kasi kapag puso ang pinairal mo, mapapahamak ka.’ Kaya nga daw mas mataas ang brain sa heart. Sa pagmamahal daw ay hindi puro puso or emotion ang ginagamit. Which is true. Maging matalino tayo pagdating sa love. Honestly, ang love hindi lang puro sarap. Right? My point is dapat stable kana sa buhay. Stable na sa financially, stable ka na emotionally. Kung nag-aaral ka, magfocus ka muna sa pag-aaral. Magfocus ka muna sa goal mo sa buhay. Love is not only a feeling. It is a commitment. So dapat handa ka na sa lahat ng bagay. Ang pagsisisi kasi laging nasa huli.
Lastly, Mas masarap magmahal kung nakikita mong masaya para sayo ang mga taong nakapaligid sayo. Masarap sa pakiramdam na yung taong pinili mo ay yung tanggap ka, yung minahal ang mga taong mahal mo, yung taong sasamahan ka hanggang pagtanda, yung taong hindi ka iiwan, yung taong handang magbago para sayo. And The most important, is you have the same God.
———