Matatapos ang araw sa isang madilim na gabi Magsisimula naman ito sa isang maliwanag na umaga Paulit-ulit na mangyayari Ngunit, mananatili lamang itong isang ruta Ruta na di alam saan papunta Kailan kaya babalik sa normal ang lahat? Kailan kaya tayo magiging masayang muli? Hanggang kailan ba magiging limitado ang ating pag-uusap? Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa ganitong sitwasyon? Puro lungkot na lang ba lagi? Hindi na ba magiging masaya ang tayo? Ipagtatagpo pa ba tayo ng tadhana? Mananatili bang isang alaala ka na lamng? D'ba kapag sinabing ikaw at ako, Masayang lakbay ang tinatahak niyong pareho Ngunit sa bawat sayang nilalakbay, Sakit at pait ang patuloy na nakaalalay Matatapos ang gabi sa isang salita Ngunit, may lungkot na dulot na nakapalibot Magsisimula nanamang muli ang araw sa isang salita Subalit, walang kasiguraduhan kung may salitang maririnig pa
Current Article: