Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Matatapos ang araw sa isang madilim na gabi
Magsisimula naman ito sa isang maliwanag na umaga
Paulit-ulit na mangyayari
Ngunit, mananatili lamang itong isang ruta
Ruta na di alam saan papunta

Kailan kaya babalik sa normal ang lahat?
Kailan kaya tayo magiging masayang muli?
Hanggang kailan ba magiging limitado ang ating pag-uusap?
Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa ganitong sitwasyon?

Puro lungkot na lang ba lagi?
Hindi na ba magiging masaya ang tayo?
Ipagtatagpo pa ba tayo ng tadhana?
Mananatili bang isang alaala ka na lamng?

D'ba kapag sinabing ikaw at ako,
Masayang lakbay ang tinatahak niyong pareho
Ngunit sa bawat sayang nilalakbay,
Sakit at pait ang patuloy na nakaalalay

Matatapos ang gabi sa isang salita
Ngunit, may lungkot na dulot na nakapalibot
Magsisimula nanamang muli ang araw sa isang salita
Subalit, walang kasiguraduhan kung may salitang maririnig pa