Sa pagsilang mo, ang langit ay nagagalak
Sa ‘ting harden, mga tanim ay namulaklak
Sa pagsilang mo, ako’y ‘lang pagsidlan ng saya
Sa ‘king sarili nasabe, ‘ko’y lubos na–na isang ama!

Ika’y biyaya, mula sa mapagbigay na Bathala
Sa’ming taimtim na dasal, ng iyong Mahal na Ina
Ika’y isang anghel, maamo’t inosente ang mukha
Mabuhok na balat, sa ulo’y nakasuot na ang korona!

Sa pagdilat, ng iyong munting mata
Dibdib ko’y, tinutunaw mo na sa saya
Sa pag-ngiti ng iyong munting labi,
Parang nasa ulap at di ko mawari

Hirap at pagod, mula sa’king trabaho
Nawawala bigla, pag-ika’y nagpabibo
Kahit anong problema, ay kakayanin ko
Makita ko lang, mga ngiti sa labi mo

#mykindofpoetry
#❤❤❤
#Photo of my son