Sa aking pagbibilang

Isa, dalawa, tatlo ako’y maglalakad palayo sayo.
Segundo, minuto, oras ang binibilang maiahon lang ang pusong ito.

Isa, dalawa, tatlong linggo na rin ang nagdaan ng ako’y linisan mo.
Binibilang ko ang araw simula ng yung iniwan dahil ang puso’t isipan ay patuloy na nananatili sa ating nakaraan.

Sinasabing ika’y kakalimutan pero habang araw at linggo’y nagdaraan sarili ko’y nanunumbalik sa mga araw at linggong ika’y nahahagkan.
Ilang segundo, minuto, oras pa ba ang lilipas para ang nararamdamang ito’y kumupas?

Binibilang ang araw at linggo matulungan lang ang sariling tuluyan ng lumayo sayo.
Isa, dalawa,tatlo sa pagbibilang ko’y sana itong liham ay malaman mo.
Gustong lumisan para ang puso’y di na masaktan.

Isa, dalawa, tatlo yung totoo, ayoko lumayo sayo.
Apat, lima, anim puso ko ay nasa iyo parin,
Pito, walo, siyam ano ba ang gagawin para ika’y makalimutan?

Isa, dalawa,tatlong linggo na akong nasasaktan,
Tatlong linggo na akong nag iisip bakit minamahal pa din kita ng lubusan.
Isa, dalawa, tatlo hanggang kailan papakawalan ang pusong nakalaan sayo lamang.

Segundo, minuto, oras, araw ay binibilang ko.
Isa, dalawa,tatlong linggo na ring pinipigilan ang nararamdaman sayo.
Isa, dalawa,tatlong linggo na rin akong nangungulila sayo.

Isa, dalawa, tatlo ako’y lalayo na sayo,
Segundo, minuto, oras binibilang teka paano ko gagawin to?
Hakbang, oras, araw at linggo binibilang makalimot lang sayo pero sa kalagitnaan no’y umaasang sana meron paring ikaw at ako.
Isa, dalawa, tatlo paano ko sisimulan to?

Segundo, minuto, oras at araw binibilang ko makalimutan lang ang sakit na naidulot simula ng linisan mo.
Isa, dalawa, tatlong linggo na akong nag iisip, paano tayo humantong sa ganito?

Isa, dalawa, tatlo iniisip ang mga pagkukulang sayo.
Segundo, minuto,oras at araw binibilang ko di ko na pansin tayong dalawa ay nasa dulo.
Isa, dalawa, tatlong linggo hayaan mo malalampasan ko rin ang pangungulila sayo.
Isa, dalawa tatlo, Hayaan mo ako’y makakalimot kagaya ng sinabi mo.
Segundo, minuto, oras hahayaan ko ng tuluyan ng makalimot ang pusong nakalaan sayo.

Isa, dalawa, tatlong linggo ko ng pinagdadaanan to.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima sandali lang mahaL mo pa ako?
Anim, pito, walo ayoko ng lokohin ang sarili ko. Siyam, sampu sisimulan ko na ang paglimot sayo.
Segundo, minuto, oras ito’y bibilangin ko at tutulungan ang sariling makalayo sayo.

Isa, dalawa, tatlo ako’y di na magpaparamdam at tuluyan ng lalayo sayo.
Segundo, minuto,oras, araw, linggo, buwan at taon ang haharapin na malayo sayo.

Isa, dalawa, tatlo sana di nalang humantong sa ganito, apat, lima, anim ito’y aking tatanggapin. Pito, walo, siyam, ikaw ay akin ng pakakawalan.
Segundo, minuto, oras, araw, at linggo lilipas din ang sakit na’to.

Isa, dalawa, tatlo , segundo, minuto, oras, araw, linggo,buwan at taon salamat sa mga panahon na ibinigay at pagmamahal mo.

 

Isa….. dalawa……. tatlo…… ito na ako’y mag………..la……la…….kad na palayo…………… sa……………..yo.
Sa aking pagbibilang ika’y tuluyan ding makakalimutan…

Exit mobile version