Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hi

Dalawang letra pero ang hirap sabihin sa tuwing nandyan ka dahil sa tuwing nakikita kita, yung dating  saya, natabunan ng sakit, sakit na pilit binubura ng masasayang alaala pero huli na.

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Akala ko ikaw na. Akala ko ikaw na yung tutupad sa pangarap kong magkaroon ng one great love. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, malikot ang mundo, at masokista ang pag ibig. Pinagtagpo nila tayo pero wala palang planong itadhana.

 

Ikaw yung taong sumira sa mga pader na ilang taon kong itinayo para sa sarili. Ikaw yung taong nagbigay kulay sa buhay na muntik ng mabalot ng dilim. Ikaw yung taong nagpumilit na pumasok sa buhay ko. At hinayaan ko lahat yun. Kasi akala ko ikaw na, pero hindi pala. Hanggang ngayon pilit pa din pinapasok sa isipan na parte lang to ng buhay, ang masaktan, pero minsan di ko mapigilang hilingin na sana ikaw na lang, sana ikaw na lang ulit.

 

Sabi mo aayusin mo lang sarili mo. Sabi mo babalik ka. Sabi mo ako pa din. Pero ba’t nabalitaan ko iba daw ang nahanap mo? Ba’t sabi nila may iba na? Hanggang ngayon di pa din malinaw sakin kung bakit at paano nangyari kasi sabi mo ako pa din naman. Totoo nga ang sabi nila, wag magpapadala sa mga salita. Sinubukan kong ayusin, sinubukan kong babaan ang napakataas kong pride para sayo kasi ayokong may pagsisihan sa huli. Pero nasaktan pa din ako, pero okay lang kasi atleast alam ko sa sarili kong ginawa ko lahat para maayos, sadyang iba lang talaga ata ang plano ni Lord.

 

  • Salamat sayo kasi mas nakilala ko sarili ko. Natuto ako sa parte ng buhay kung saan di ko pa nararanasan. Salamat kasi mas nakilala ko si Lord, pinagdadasal kita palagi Sakanya, yun na lang ata ang magagawa ko para sayo ngayon, ang ipagdasal ang kasiyahan mo kahit di na sa piling ko. Salamat kasi mas nakita ko ang halaga ng pamilya at mga kaibigan ko, sila yung mga taong di nagsawa sa pagintindi sakin kahit paulit ulit. Salamat dahil nakilala kita, ngayon alam ko na kung pano, kung pano ang tamang pagmamahal. Kahit hilingin ko ngayong bumalik ka, alam kong hindi na sya magiging masaya pa katulad ng dati, kaya pinapalaya na kita. Hangad ko ang kasiyahan mo sa darating na panahon. Minahal kita ng totoo at masakit man mahal pa din kita hanggang ngayon pero kailangan ko ng umusad di lang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga taong umaasa sakin.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required