Ikaw ang Mundo sa Loob ng Parisukat
Categories Move On

Ikaw ang Mundo sa Loob ng Parisukat

Sa loob ng isang parisukat

Mata ko’y namulat

Puso’y nagpumiglas

Nalunod sa nakakabinging sandali

Nang marinig ko ang iyong mga labi

 

Iisang hangin ang hinihinga

Tatlong segundong namangha

Mata’y nagkasagupa

Labi ay naglapat ng hindi sinasadya

 

Pigilan man, gagawin pa rin

Paulit-ulit kang iisipin

Pakikinggan ang boses mo sa hangin

Hanggang sa mapagod at makalimutan ka na rin.*

Prev nananatiling ikaw..
Next Kaibigan mo lang AKO