Parang babae’t lalaki
Ang dagat at lupa
Magkaibang elemento
Magkaiba ang komposisyon
Mahirap basahin ang isipan ng babae
Kung paanong hindi kayang unawain
Ang iba’t ibang bugso ng alon sa dagat
May naiibang tikas naman ang lalaki
Katulad ng mga bato sa lupa
Na siyang pundasyon ng nagtataasang gusali
Gayunpaman,
Palihim na nag-iibigan
Ang dagat at lupa
At doon sa kanilang sikretong tagpuan
Sa ilalim ng nakapapasong sinag ng araw
At sa pagsilip ng mga bituin at buwan kung gabi
Hinuhubad nila ang pagkakaiba
At saka hahagkan ang isa’t isa
Wala silang pakialam sa maski ano
Sapakat sa dakong iyon ng mundo
Sila ay isa