Sana, kaso…

Dumating sa puntong ‘di ko na kayang pigilan pa ang bugso ng aking damdamin. Tuluyan na ngang nahulog sa isang diwatang tinatawag nilang ikaw. ‘Di ko rin maintindihan kung paano. Yung bigla nalang kitang nakilala pero iba yung dating. Ewan ko ba kung may nais iparating ang tadhana o sadyang pinaglalaruan lang ako nito? Yun ang ‘di ko matanto. Kasi tahimik kong isinisigaw na sana, sana ako nalang. Oo, sana ako nalang. Sana ako nalang yung taong hinahanap mo sa tuwing malungkot ka. Sana ako nalang yung taong nagbibigay ngiti sayong mga mata. Sana nakilala kita nung una pa. Edi sana ako ngayon sayo ang nagpapasaya. Ngunit lahat ng yan ay hanggang sana nalang. Ayaw kong mabulag ng isang ilusyong sa huli ay ako rin ang masasaktan. Kasi wala namang tayo. Wala namang ikaw at ako. Ang meron lang, isang kaibigan. Isang kaibigang handang makinig sa hinanaing mo sa buhay. Isang kaibigang ano mang oras handang dumamay. Isang kaibigang handang maging sandalan. Isang kaibigang handang makinig sa sigaw ng isip mong patuloy na binubulabog ng ilan. Isang kaibigang handang makinig sa damdamin mong hindi nila maintindihan. Kasi sarado ang kanilang isip sa tunay mong nararamdaman. Isang kaibigang handang maging panyo sa oras na tumulo ang mga luha mo. Isang kaibigang handang akayin ka sa oras na piliin mong tuluyang sumuko. Pero hanggang doon lang. Hanggang kaibigan lang. Dahil hindi maaari. Siguro nga pinakilala ka lang sakin ng mundo. Yung tipong binigyan lang ako ng dahilan para patuloy na magkaroon ng pag-asa sa salitang pag-ibig. Isang kaibigan lang kasi ako. Hanggang doon lang. Gustuhin ko man pero may iba na kasing nagmamay-ari ng puso mo. At wala akong magagawa kundi tuluyang isuko ang laban. Kasi walang pag-asang magkagusto ka sakin. Walang pag-asang magkaroon ng tayo. Malabong magkaroon ng ikaw at ako.

By M

I'm not that wheaty but I know I deserve butter than yeast

Exit mobile version