Siguro mahal ko na siya
Categories Waiting

Siguro mahal ko na siya

Siguro yung sinamahan ko siya kahit saan
Siguro yung pinili ko siyang unahin muna kesa sa sarili ko
Siguro yung nasa tabi pa din niya ako nung panahong nasasaktan siya ng iba
Siguro yung habang nagkukwento siya tungkol sa iba pero patuloy pa din ako sa pakikinig sa kanya.

 

Siguro noong panahong may problema siya nandyan pa din ako sa tabi niya
Siguro noong mananatili ako sa trabaho kahit hating gabi para lang sabayan siyang umuwi
Siguro noong alam kong kailangan niya ako nandyan ako laging nakaalalay sa kanya
Siguro noong sobrang lugmok siya nandyan ako para pasayahin at palakasin ang loob niya.

 

Siguro habang nung pinili niyang sumama sa iba at iwan ako pero hinintay ko pa din siya sa pagbabalik niya
Siguro noong pagtapos kong umiyak binalikan ko pa din siya kasi naisip ko kailangan niya ng kasama
Siguro noong sabihin ko yung totoong nararamdaman ko kahit hindi niya mabigkas yung salitang gusto kong marinig
Siguro yung mahalin siya kahit alam kong isa lang ako sa mga pagpipilian niya pero nakuha kong manatili sa tabi niya.