Current Article:

 Siya Lang Talaga: A Reverse Poetry

 Siya Lang Talaga: A Reverse Poetry
Categories Poetry

 Siya Lang Talaga: A Reverse Poetry

Ayaw ko na, Sarili ko na muna

Pero ano na nga ba ang aking desisyon

Mahal ko parin naman siya

Ano pa man ang sabihin ng iba

Sarili ko ay tuluyang napabayaan

Kaya di ko namamalayan

Ang dapat ay tao

Ginawa kong mundo

Gusto ko rin naman na sarili muna ang mahalin

Pero ano nga ba ang aking panalagin

Sana pwede pa na ipaglaban siya

Tulad noong una

Iba na ngayon ang nagmamayari sa kanya

Pero alam ko sa sarili ko na

Siya lang talaga

 

*basahin ulit pataas