KUNG SAAN

larawan trilogy

50

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Patuloy na maglalakbay kahit nalilito
kahit na hindi alam kung saan patungo
patuloy na papadyak
kahit sabayan pa nang pag-iyak
kahit hinihingal
pipiliting umusad kahit mabagal
kahit nahihirapan
patuloy na lalaban
ako ay aahon
lilimutin lahat ng sakit dulot ng kahapon
dahil sa dulo ng daanan na ito
yayakap ang panibagong yugto
kung saan
makakaalis na sa tanikala
magiging masaya
magiging malaya