Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tutulo ang pawis, pero hindi na ang luha.

Pag nahihirapan ka, magpapawis ka talaga. Para ka lang nagbubuhat ng plates sa gym, minsan mabigat, minsan ikaw yung pabigat sa relasyon ninyo.

Para ka din nag exercise sa circuit kahit mahirap na at nangangalay ka na kailangan mo maabot ang dulo, kailangan mong matapos ang bawat exercise. Mahirap daanan ang bawat exercise, may goal kasi tayo. Kaya kahit mahirap ipaglalaban natin pero ikaw ba pinaglaban nya?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ilang beses na rin tumulo ang luha mo dahil sa pagod, ilang beses ka na rin tumakbo sa treadmill para habulin sya pero wala na talaga.

Mahirap. Pero nakakapagod ang magbuhat ng plates pero mas nakakapagod ang magbuhat ng toxic relationship, kaya kung mabigat na ang barbel para sayo, bitaw na bago ka pa masaktan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required