So near yet so far
Contradicting words.
May mga bagay sa mundo na akala natin abot kamay na natin, ngunit mapapatigil ka na lang at masasambit na ‘teka malayo pala talaga’
May mga kanya kanya tayong naisin sa buhay na mahirap maabot, ngunit tayo ay gumagawa ng paraan upang kahit papaano ay makakita ng kaunting liwanag na ating inaasam.
Mapapagod ka.
Iiyak ka.
Mawawalan ng gana.
Susubukin ang katatagan ng loob mo sa bawat araw na dadaan.
Pero alam mo ang mahalaga?
Sinubukan mo kahit mahirap.
Bahagya mong naaninag ang iyong tatahaking direkyon kahit na milya milya pa ang layo nito mula sa’yo. Malayo man at matagal ang tatahakin ang importante ay naramdaman mo na ‘kaya mo at kakayanin mo’
Sabi nga nila “Good things come to those who wait”
So habang nag aantay ka, gumawa ka ng paraan para unti unting may nababago sa’yo hindi lang para sa’yo ngunit para din sa ibang tao. Hayaan mong mas makilala mo ang iyong sarili habang inuunawa mo ang mga bagay na nangyayari sa paligid mo. Napakahaba pa ng panahon at marami pang hakbang ang iyong lalakaran. Hanggang maabot mo ang bagay na ninanais mo na makakatulong hindi lamang sa’yo ngunit pati na din ang mga taong nakapalagid sa’yo.
Laban lang walang sukuan.
Samahan lagi ng dasal.
Huwag kalimutan tumingin sa itaas.
Andyan lamang Siya katulad ng mga magagandang tanawin na naabot ng ating mata.