Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Ano bang mali sa aking mga ginagawa?
Nakikipaghabulan at nakikipaglaro sa’yo ng mataya-taya.
Pero bakit ganon? Bakit tila wala kang tinataya? (na kahit ano)
Kahit na ako’y nakatayo lang sa’yong tabi, pinagmamasdan ka at naghihintay na ako ang iyong sunod na hawakan.
Kaya kitang dalin sa langit, ngunit di kita kayang dalin sa pangarap mong kalawakan.
Sa mga matatamis mong salitang binitawan, doon ako kumakapit.
Naghihintay ng tamang panahon na ako sa’yo ay muling makalapit.
Pero bakit tila ang tadhana tayo’y pinaglalaruan?
Bakit sobrang daming nakaharang sa ating daan?
Ngayon ko lang nalaman na ang tadhana pala ay pwedeng baguhin.
Na kahit ibigay mo na ang lahat pwede ka pa din gaguhin.
Sa mga nangyayari ako’y naguguluhan,
Isang bagay lang ang malinaw at yun ay ikaw parin ang nararamdaman.
At sa isip ko’y may tanong na laman..
Bakit nagawang saktan ang pusong nagmamahal lang naman?
Lapitan ka at tanungin ako’y natatakot.
Sobra na nga ang naibigay “dahil may kulang” pa rin ang isinasagot.
Ano ba ang dapat gawin, para sa’yo ay maging sapat.
Ibinigay ko naman na ang lahat-lahat.
Ang dami kong natutunan sa’yo ng hindi mo alam.
Pero hindi ko natutunan sabihin ang salitang paalam.
Ang hirap bangigitin, palaging may kirot sa dibdib.
Paano ka magpapaalam sa taong ginawa mong daigdig.
Dahil ang puso ay patuloy na ikaw ang tinatawag.
Hindi kita kayang kalimutan, kaya mahal ako sana ay iyong mapatawad.
Wag Ka Ng Bumalik
Ka Na