Unang pagkaka-kilala nyo sa isa’t isa kayo ay parehas na may karelasyon at habang tumatagal nagiging palagay na loob nyo sa isa’t isa. Hanggang sa nag abangan kayong maging malaya ang isa’t isa para maging kayo na ng literal.

Kaso ilang linggo pa lang umayaw na sya kasi hindi nya kaya yung LDR. Kaya nag kasundo kayo na pagdating nyo ng trenta at wala pa kayong karelasyon kayo na lang sa huli.

Kayo na ang tutupad ng dapat kami ang tutupad nyan.

Kayo na ang magkukulay ng mga pangarap naming sinimulang iguhit sa aming memorya.

Ay teka parang ako lang ata ang gumuhit ng mga pangarap namin kasi hanggang ngayon masasabi kong ikaw pa rin ang pangarap nya. Kahit na kami na at matagal na kami.