Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Susubok ka ba kahit alam mong masakit?
O susuko na dahil takot ang nanaig.

Dalawang napakahirap na mga salita.
Di mo malalaman kung di susubukan.
Dapat bang ipaglaban kahit sakit ang daratnan o,
Baka mas mabuti na susuko na lang.

Dito muna tayo sa SUSUBOK PA.
Susubukang gawin ang dati di magawa.
Susubukang tiisin kahit ang sakit sa damdamin.
Susubukang maging masaya kahit di naman talaga.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung sinubukan ko noon magiging masaya ba tayo ngayon?
Kung sinubukan ko noon, hindi ba ako masasaktan ngayon?
Kung sinubukan ko noon magiging akin ka ba ngayon?
Kung sinubukan ko lang noon.

Di na baleng di sinubukan noon.
Ngayon may isa pa akong pagkakataon.
Susubok pa ako sa laban para aking malaman,
Mga sagot sa katanungan na bumabagabag sa aking isipan.

ARAT na, tayo na.
Susubok sa laban na puso’t isipan ang puhunan.
Susubok sa laban na matagal ko ng pinaghandaan.

Pero nang dumating sa digmaan para bang akoy nag alinlangan.
Nang makita kita sa piling ng kalaban.
Anong saya ang iyong nadarama,
Napaisip nalang tulo’y na susuko na.

Wag kang susuko, bungat ng aking isipan.
Dapat lumaban ng malaman ang iyong nararamdaman.
Pero tama ba na lumaban pa kung nakita mo na ang resulta?

Susuko nalang sa laban na di pa nasisimulan.
Susuko nalang para sa kanyang kapakanan.
Susuko nalang kahit di pa nasusubukan.
Susuko nalang para sa kanyang kaligayahan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required