Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Di ko akalaing isa ka sa mga taong magiging malapit sakin. Dati ay lagi lamang tayong magkatabi sa silid. Ikaw ang kasama ko mula umaga hanggang mag-gabi. Tinutulungan ako kapag di na alam ang gagawin. Nag-aalala kapag may gumugulo sa isip. Hinahanap-hanap kapag absent at hindi mapakali.

Ilang buwan na ang nakalipas nang huli tayong nagka-usap ng masinsinan.  Magdamagang bungisngisan sa kung anu-anong mga kalokohan. Mga lakarang hindi alam kung saan ang patutunguhan. Hanggang sa panibagong eskwela tayo pa rin ay magkasama.

Hindi akalain na tayo ay hindi pa rin pinaghihiwalay ng tadhana. Nadagdagan pa ang mga kwentuhan at napalayo pa ang mga lakarin. Naghihintay ano mang oras at kung saan. Makasama lang hanggang sa magpakita ang buwan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Naaalala ko pa noon nung sabay tayong umuuwi. Lagi tayong magkatabi sa bus, sa dalawahan. Kwentuhan lang, hindi alintana gaano man katagal ang trapik na maabutan. Mga pagkukunwariang tulog makadantay lang sa iyong balikat. Pilit mong inaabot ang aking kamay. At ako naman ‘tong paiwas pero ginugusto rin naman. Hanggang kamay at hita lamang ang kaya nating abutin.

Isang araw ay tinanong mo ako kung pwedeng manligaw. Ang sabi ko ay hindi pa ako handa. Pero gusto kong sabihin sayo na “oo, sige, hinahayaan kita.” Naduwag ako. Hindi ko alam kung paano sumabak sa seryosong relasyon tulad nito. Masyado na akong nahulog sa iyo.

Pero anong ginawa ko? Pinakawalan kita. At ako’y nahulog na sa iba. Ang bilis ng mga pangyayari. Dati araw-araw kitang kasama. Ngayon eh bigla nalang nawala. Dati wala tayong pakialam sa mundong pumapalibot sa ating dalawa. Ngayon wala na tayong pakialam sa isa’t isa.

Pinagsisihan ko ba? Oo. I miss the old us. Everytime na may nariring akong balita na may gusto ka nang iba, nasasaktan ang puso ko. Pero wala akong karapatan. Ako yung unang nang-iwan. Ako yung bumitaw.

Masakit lang isipin na yung tinuring kong matalik na kaibigan ay nawala na sa buhay ko. Tuluyan nang lumayo sa akin. Masakit kasi sana binigyan kita ng pagkakataon na mahalin ako. Ang selfish ko.

Pero ‘eto ako ngayon. Wala nang habol sayo, sayong kaibigan mo.

Ikaw ang dulo, gitna’t simula ng lahat.

Sana bumalik tayo sa umpisa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required