STIGMA

Hinga, hinga ng malalim para kumalma ka
iwasan ang mga mata na gumagapang mula sa iyong ulo hanggang paa
‘wag mong pakinggan ang mga boses na bumubulong at umaalulong
sa iyong bawat paghinga

Ngiti, ngumiti ng puno ng panloloko sa mga taong ‘di maiintindihan kung ano
ang takbo ng utak mong nakakasira na ng ulo
lalo na’t ang mundo nating mapanghusga ay mas lalo kang pagmumukahing may sinto at nawawalan na ng tino

takbo, tumakbo palayo sa mga bagay na humahabol sayo sa iyong mga banungot, bangungot, bangungot, bangunot na sa buhay mo’y bumabalot
di ka dapat nila maabot, makahanap ka dapat ng palusot
wag ka dapat magpapadala sa takot

At Unti-unti lumuwag na nga ang madilim mong mundo.
Unti-unti, may lakas ka ng loob na mabuo at bumalik sa dati mong pagkatao
At nasabi mo na nga ang salitang araw-araw mong gustong isigaw,
“Tulong”, pero yung uhaw mo sa mga kamay na sana’y aalay ay unti unti na ring nawawala dahil sa mga reaksyong iyong nakuha.

“Nasa isip mo lang ‘yan.”
“Kailangan mo lang mahanginan.’
“Baliw ka na ata.”
“Abnormal”
“umayos ka lang ng asal”

Nagugulumihanan, tama ba ang sinasabi ng lipunan?
‘Di mo nga ba talaga kailangan ng tulong ng kahit isang tao?
Gawa-gawa mo nga lang ba ang mga nasa isip at nararamdaman mo?
Wala ka bang karapatang sumaya tulad ng mga nakapalidgid sa’yo?
Siguro nga, wala ka talagang kwenta sa mundo.

Kaya aakyat ka, sa isang mataas na lugar kung san mararamdaman mo
ang hangin na yumayakap sa napakalamig mong pagkatao
At doon, sa unang pagkakataon, makikita mong napakaganda pala ng mundong ginagawalawan mo,
nakakalungkot lang at, ito na ang una’t huling mangyayari to.
Dahil lilipad ka na at magiging malaya sa mga salitang nagkulong sayo, sa sakit na sana’y nalabanan mo,
naging malaya ka sana sa isipan mong araw-araw tinatapos ang buhay mo.
Pero ang lipunan na ang nagpuwang sa pakiramdam mong ayon sakanila ay walang katuturan at walang kasaysayan kung may depekto kang nararamdaman
kaya tumalon ka habang binubulong ng isip mo, habang binubulong ng sakit mo, na ‘di lahat ng humihinga, ay buhay
kaya, tatapusin mo na ito at didiretso sa hukay.

Published
Categorized as Poetry

By Precious Yanna (MK)

We cannot change the world but we can make it a better place.

Exit mobile version