Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Patatawarin na ang sarili
Sa mga pagkakamali
Bibitawan na ang mga kasalanang
Nagpapabigat sa dibdib
Ayaw nang malunod sa alat at pait
Papakawalan sa dalampasigan
Ang mga nakaraang bumabalik-balik
Isisigaw sa kawalan
Ang mga di pa mawari
Imumulat na ang mga mata sa mga katotohanang
Tatanggaping paunti-unti
Kakalasin na sa pagkakaangkla ang mga paang naatubili

Sa Itaas nalang ipapaubaya ang lumipas
Di na hahawakan
Di na ikakahon

Wala nang magagawa pa
Kundi ang umusad at umahon.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Panahon na rin para maghilom

Ahon!

Send me the best BW Tampal!

* indicates required