Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Lumipas na ang sakit sa tuwing naririnig ko ang “Sana.”

Sana sinabi mo, sana nalaman ko.

Nalaman kong sandali ka lang pala sa buhay ko.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin na balang araw ay babalik ka, sana.

 

Dumating ka at binago ang ikot ng aking mundo.

Pero mabilis na umalis, at iniwan ang pusong tuliro.

Sa bawat paglipas ng araw, unti unting nawawala ang sakit.

Sa wakas ay nababawasan ang mga gabing ikaw ang laman ng isip bago pumikit.

 

Gusto ko sanang tanungin ka kung bakit.

Para malaman ko kung saan nagmumula ang sakit.

Pero mas pinili kong manahimik at kusang lumayo.

Kahit gusto ko pa sana, ako na rin ang kusang sumuko.

 

Kung nasaan ka naman, sana masaya ka.

Sana balang araw, mawala na ang sakit ng iyong nakaraan.

Kung magmahal ka man ulit ay hindi na masaktan.

Sana balang araw, sa bumalik ka at tayo’y magng malaya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required