Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Excited na ang lahat sa upcomin reunion ng Batch. Walang tigil ang mga messages ng mga kabarkada kung sinu-sino ba ang mga aattend o kung anong oras ba magkikita-kita.

Heto na ang most awaited day after 20 years tayo’y magsasama-samang muli bilang mga mag ka-kaklase or batchmates. Alam ko ako na ang pinaka late na dumating sa ating party, sabi nga may ilan na raw na nagsi-uwian na, napansin kong madami na rin ang mga medyo may amats dahil sa alak.

Gayonpaman bakas pa din sa aking mukha ang saya at pananabik sa bawat isa, dahil walang humpay ang ating mga kamustahan. Hangga’t may biglang sumigaw! ang lahat ay natahimik, nagulat at natakot na baka may biglang magbatuhan ng mga bote ng alak.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Isang classmate ang nagwawala, bigla na lamang syang nagsisisigaw ng mga sama ng loob mula sa kanyang mapait na sinapit. Galit ang kanyang tono na may poot at panunumbat sa mga kaibigang pakiramdam nya’y siya ay iniwan sa masaluot na sitwasyon ng kanyang buhay.

Pinapanood at nakikinig lamang ako sa kanyang mga sinasabi, marami ang nagbubulungan at naiinis, nanghuhusga sa kanyang kilos at salita, marami kaming mga natakot. Ngunit awa ang naramdaman ko sa kanya at naitanong ko sa sarili ko na “Bakit sya nagkaganyan?”, sayang.

Makalipas ang ilang mga araw sa di inaasahang pagkakataon bigla kaming nagkita ni “classmate na nagwawala”, niyakap ko sya dahil sa awa na nakita ko nung nakaraang gabi. Dahil naniniwala ako na kahit gaano pa kasama ang isang tao mayroon pa din itong mabuting puso kahit siguro kaunti lang.

Mula sa simpleng kwentuhan kami ay nagkamabutihan at nahulog ang loob namin sa isa’t isa, isang bagay na hindi ko inaasahan. Heto na nga kami na nga ni “classmate na nagwawala” pakiramdam ko ako’y wala ng kawala. Marami ang nagulat at humusga sa akin sinabihan ako na mag-ingat dahil sa kanyang masamang ugali, isa na ang pananakit sa kanyang mga nakarelasyon at iba pang mga krimen sya ay nasangkot.

Sa sobrang dala ng aking emosyon wala akong pinakinggan, sabi ko kaya kitang ipaglaban at papatunayan ko sa kanilang lahat na mali ang kanilang paghuhusga at mga bintang. Kahit minsan ako na rin ang sumusuko pag hindi ko natitimpla ng maayos ang iyong pag-iisip. Pero sabi ko kung sa ikaka-ayos mo, i will stay on your side.

Lumakad ang mga buwan at taon na sa aking paninggin tayo ay perfect at napakasaya, marami ang nakapuna ng iyong magandang pagbabago. Marami ang sa atin ay pumuri dahil sa inalagaan daw kita.

Ang hindi ko namalayan na ang iyo palang pagbabago ay ang unti-unting papatay sa ating inaalagaang relasyon, o baka ako lamang ang nag-alaga. Nagbago ka nga iba na ang tingin ko sa iyo, ang nakikita tuwing kita’y naiisip ay ang lalaking “nagwawala sa gabi ng ating Reunion”.

Marami ang nasira, nabasag at nawasak nating mga pangarap. Akala ko ika’y totoong nagbago, ikaw pa din pala ang dating ikaw magaling ka lang magtago. Dumating ka sa puntong naging makasarili ka para lamang sa iyong ikasasaya, para lamang sa iyong ikauunlad na alam mo naman na sabay at magkatuang tayong nagpundar, ngayon mo nasasabi na hindi naman ako kabilang sa mga materyal na bagay na dati’y atin. Ngayon ang tanging binibigkas mo ay “akin” o sa iyo lamang.

Dito na pumasok sa isip ko na ang iyong dating adiksyon sa illegal ay maaring nakaugat pa din, ngunit sa mga materyal na bagay naman. Alam mo sa sarili mo na hindi ka lumaban ng patas. Maaaring ang kasalan ko ay ang sobrang tiwala at pagmamahal na pinagkaloob ko sa iyo ng walang hinging kapalit.

Alam kong nagkamali ako dahil hindi ako nakinig sa mga nagmalasakit sa akin. Hindi kita napagbago, nandoon pa din ang ugat ng pagiging makasarili mo. Pakiramdam ko ginawa mo akong isang washing machine na pinaikot- ikot ng ilang beses, binigyan ng mababagong salita upang matakpan ang di magandang amoy, at drain na drain ako sa yo at lukot na lukot ang puso kong tanging hinangad ay mahalin ka.

Ang gabi ng ating reunion ay isang senyales na na dapat doon pa lang binigyan na kita ng tuldok. Ngunit tao lang ako marunong magbigay ng pagkakataon sa mga taong nadadapa. Tinulungan kitang ilabas sa madilim mong kahapon subalit hindi ko namalayan na ang iyong palang balak ay ako ang ilagay sa iyong dating madilim na silid.

Alam ko madami pa tayong Reunion na magaganap, pero ako’y nangako sa aking sarili na, I will never ever Reunite with you again.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required