Tama Na

Tama Na

Siguro, madami ka nang ipinaglaban na sa huli hindi ka ipinaglaban.
Maaring, minsan mo na ring ibinuhos ang lahat ng meron ka para patunayan na sa relasyong ito, hindi totoong may hangganan.
Baka nga, hinigpitan mo na rin
ang kapit mo na kahit parang isang daliri nalang ang naka-kawit nag tiwala ka pa din
na ‘di ka bibitawan.

Pero ngayon,
lahat ng kinaka- takot mong mangyari
ay nangyari na.

Siguro pagod ka na,
maaaring sawa ka na,
baka takot ka na.

Siguro pagod ka nang lumaban.
Maaring sawa ka nang may patunayan.
Baka ayaw mo nang may kapitan.

Hindi na kailangan.

Kasi sa tamang relasyon,
wala ka naman talagang kailangan patunayan,
wala ka namang dapat ipaglaban.

Kasi tama na–

tama na ang panahon,
tama na ang tao,
tama na ang pagkakataon.

Tama na.

Exit mobile version