Ngayong kaarawan, tanging tangan lamang ang iyong larawan.
Tulala sa gitna ng kawalan, na naiwan. Na kung paano mo ko nilisan nung gabing iyon, ay sya pa rin lungkot hanggang ngayon.
Binabalikan ang mga nakaraang usapan, nagbabaka-sakaling ika’y muling maramdaman.
Na ang iyong tinig ay muling mapakinggan.
Salamat sa mga alaala at saya na alam kong hindi na maibabalik, hindi na nga ba maibabalik?
Mahirap, Oo mahirap pagkat ang taong akala kong siya na, ay hindi pa rin pala.
Na ang taong akala ko’y hanggang altar na, ay isang pa rin palang pantasya.
Tatapusin ko ang tulang ito na may pag-amin.
Oo aaminin ko, MAHAL PA RIN KITA!
At ikaw ang syang tulang ayaw tapusin ngunit tinapos na,
Tinapos na ng mga katagang, “AYAW KO NA, TAMA NA!”
Lagi mo sanang tatandaan, Mahal kita at hindi akong nagsawang mahalin ka.