Tara kape, pag-usapan natin kung bakit hindi tayo ang pinili.

Para sa bawat muntik, akala at halos. Tara kape!

In life full of choices you’re not the choice. Hindi ikaw ang pinili. Bakit? Kasi hindi ka pang more than enough. Sakto lang. Hindi ikaw ang best, na kahit ikaw tong laging nandyan para sa kanya iba pa rin ang pinipili niya. In short pahingahan ka lang hindi ikaw ang tahanan. Isang ka lang malaking “Sino ka ba” sa buhay niya. Isa ka lang “akala” sa mundo na puro “siya na nga” Halos ikaw ang muntikan nang mahalin pero hindi ikaw ang dalangin. Na kahit kunwari ay hindi ka kayang piliin, masakit na yung taong araw-gabi mong pinagdarasal iba pala ang hinihiling. Ikaw tong nakayakap, pero pilit naman siya pumipiglas dahil kailanman hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Love sometimes doesn’t mean to be reciprocated.

Kahit anong baka sakali kung hindi na maaari, you need to let go. Bakit ka mananatili sa isang lugar kung ginagawa ka lang na convenience, second choice na kapag wala ang isa, ikaw muna. Pagnandyan na kakalimutan ka. You deserve the love na hindi pinipilit, the love na hindi mo kailangang magkunwari na masaya. Yung pagmamahal na hindi mo kailangang magmakaawa na huwag kang iwan, because you can’t make a person to stay if they’re determined to leave. The love that always choose you no matter what.

So anong gagawin mo para piliin ka? WALA! because if the person loves you, they’ll choose you over and over. Kahit marami pang dumating sa buhay niya they will find a way para hanapin ka, ipagdarasal ka dahil ikaw ang hinihiling niya. They will not make you feel less, just like coffee sometimes bitter but it way much better. Wait for that person na pipili sayo, habang wala pa magkape ka muna.

 

Exit mobile version