Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa mundong walang katiyakan.

Sa mundong nabalot na ng kasinungalingan.

Mangapa at madapa ka man.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pilitin mo pa din bumangon at huwag mananatili sa kadiliman.

 

Sa mundong hinagpis at luha.

Sa mundong mapanakit at walang awa.

Bigyan ng halaga ang sarili at huwag ng ubusin ang luha.

Isalba ang sarili sa mundong mapanlinlang at sugapa.

 

Sa mundong kulang ang pagibig.

Sa mundong  di sapat lang ang umiibig.

Bigkisin ang sarili at huwag papalupig.

Ano man ang mangyari’y huwag papakubli sa dusang himig.

-Moonluna

Send me the best BW Tampal!

* indicates required