The Nail Cutter
Categories Relationships

The Nail Cutter

Last night, I was trying to trim my fingernails through nail cutter kasi medyo mahaba na naman. To be honest, one of my frustrations is that, hindi ako marunong mag gupit ng sarili kong kuko. Nahihirapan talaga ako and may fear ako na baka may mag-gupit ako bukod sa fingernails ko. I dont know if matatawa ka sa akin pero that is true. Hindi talaga ako marunong mag-gupit ng kuko.

I got the nail cutter from my bag. I tried. I failed. Kahit anong subok, kinakabahan talaga ako. my bad 🙁

But I realized something. Siguro, may mga bagay talaga na hindi natin magagawa ng tayo mag-isa. Kailangan natin ng tulong ng iba. Kahit simpleng bagay, dapat alam natin kung paano hihingi ng tulong sa iba. Mas mahalaga pa din ang karakter kaysa sa reputasyon. Hihingi at hihingi tayo ng tulong sa iba and that is good. So good! Hindi mababawasan ang pagiging tao mo kapag humingi ka ng tulong sa iba.

Pero may mas narealized ako. I have to know the reason why I get the nail cutter. Of course, to trim my fingernails. Mahaba na kasi ang kuko ko kaya need ng gupitan. ANG KUKO ANG GINUGUPIT AT HINDI ANG KAMAY.

The same thing with us. kapag mahaba na ang kuko ng problema, ANG ISSUE PALA ANG DAPAT NA PINUPUTOL HINDI ANG RELASYON.

lahat nagkakamali. Lahat pwede maiba ang pagkatao base sa kung ano ang nagawa. Mabuti man o masama. Lahat makararanas ng panghuhusga.

Kaya sa mga pagkakataong magkakaroon tayo ng problema sa iba lalo na sa mga taong sa atin ay mahalaga, putulin ang problema wag ang relasyon sa isa’t isa.

At kung dumating man ang pagkakataong humaba muli ang kuko ng suliranin, sikaping pumili ng mga kapamaraanang makatutulong sayo upang mas maging malalim at makabuluhan ang iyong relasyon sa nilikha ng Diyos na katulad mong tao.