Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

kakalimutan ko na naging magkaibigan tayo
mananatili sa mga alaalang muntik nang may ‘tayo’
mga panahong lagi mo akong niyayaya
sa kwentuhan, kainan at pag-gala

tumalon sa konklusyong may pag-asa
abot langit ang saya sa twina
di binigyang konsiderasyon ang eksena
kaibigan lang pala ang tema

bakit kasi sa dami ng tao sa likod ng kurtina
napili mong kaibiganin ay ako pa
mag-lalakad tayo na tayo lang dalawa
magkwekwentuhan sa ilalim ng mga tala

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


ganyan ka siguro sa lahat
nagkamali akong bigyan kahulugan bawat indak
kakalimutan ko na lang ang lahat
sa panaginip at alaala ako’y susulyap

Send me the best BW Tampal!

* indicates required