Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Hanggang kailan tayo ganito? Puso ko’y litong lito

San nga ba patungo ang emosyon na ‘to?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Patuloy ba akong maghihintay?

O tuluyan na kitang lalayuan?

Sa bawat araw na hindi kita kausap

Mga ala-ala nalang ang tanging nangungusap.

Ala-ala na pilit kong winawaksi sa aking isipan.

Sapagkat lahat ng ‘yon ay panandalian lamang.

Mahal kita pero mas Mahal ko SYA.

Sya na alam ang lahat sa akin.

Sya na patuloy na andyan para sa akin.

Sya na nagmamahal sakin kahit na ano ang aking gawin.

Patuloy akong maniniwala sa pangako Nya.

Na ikaw ang nakatadhana para sa akin.

Patuloy akong aasa sa Kanya,

Kasi mas alam Nya ang mangyayari sa atin.

Hayaan natin ang oras Nya ang kumilos

Dahil dun natin makikita ng lubos ang pagmamahal Nyang tumatagos.

Pagmamahal na walang katumbas

At Pagmamahal na walang wakas.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required