Tikab.
Categories Waiting

Tikab.

Ilang buwan din ang ginugol ko
para malaman kung gaano ito ka-totoo.

Ginawa ko na ang mga paraan,
paisa-isa … dahan-dahan.
At ang bawat hibla’y sumusugat sa damdamin ng marahan.

 

“Siguro nga! Ito’y dapat ko nag tuldukan.”

 

Limang minuto mula nang ang sarili’y tanungin.

“Bakit ba ang hirap-hirap mong mahalin?”

 

Hindi ko naman inasam na sagutin,
ngunit tila ba’y may bumulong sa akin na,

“Wag! Wag mo sanang kapagurang mahalin.”

 

 

Ang bawat pag iwas ko’y masakit para sa’kin.

“Ano ba! Ano ba talagang mayroon sa’tin?”

 

Pagod na kong manghula,
sa pag-ibig mong pinangarap kong maglahong parang bula.
Kung wala lang talaga’y

“Bakit parang wala?”
Bakit pakiramdam ko’y ayaw mo nang mawala.

 

 

Kaunting minuto nalang ay sasabog na.
damdamin kong gusto nang kumawala sa hawla.

“Hindi ba talaga tayo uubra?”

Baka sakaling mapalitan naman ng saya.
Paulit-ulit mong tinatanong kung

“Masaya ka na ba?”

 

At OO! naging totoo ako.
Ngunit diba mas masaya kung “Mayrong tayo?”

Hindi kita mahanapan ng dahilan,
binutas ko na lahat ng kagandahan.
Pero bakit ganon?

“Hindi ko parin mapigilan?”
Gustong-gusto parin …
Handa nang iyong angkinin.
Patuloy kang mamahalin …
Kahit hindi ka pa sigurado sa akin.