Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Maaari ba
Sa huling sandali
Yakapin mo ako
Na kunwari’y sayo?

Maaari ba
Sa huling sandali
Tignan mo ako sa aking mga mata
Na tila ako sayo’y mahalaga?

Maaari ba
Sa huling sandali
Hawakan mo naman ako
Na parang ayaw mong mawala ako sayo?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


“Mahal kita”
“Mahal na mahal kita”
Nais ko ulit marinig
Na ako’y mahal mo pa.

Oo.
Minsan mo nang ipinadama,
Na ako lang,
Na ako lang ay sapat na

Pinaniwala mo ako
Sa mga pangako
Na ako nga lang
Pero bakit sa huli ang naiwa’y ako na lang?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required