Ito yung pangatlong tula na nagawa ko. Wala pa siyang pamagat pero ito yung content.
One of my inspirations dito sa tula na to yung mga students ko. ๐ At ang paghihintay sa tamang panahon. โ๏ธ๐ป๐ช๐ปโค๏ธ
Pag-ibig na pinaramdam ay pag-ibig na walang hanggan.
Mahal, Mahal nga ba ang tawag? O mahal lang dahil ito’y kailangan?.
Pag-ibig na akin, Pag-ibig na sana ay para sa akin.
Pagmamahal na para sa akin, akala ko nga’y akin.
Pagmamahal na lihim, akin na lamang ililihim.
Mananatilinf nakataho, ang paghanga na kailanma’y hindi maaamin.
Pag-ibig o paghanga yan ang di ko mabatid. Dahil alam ko sa paghanga ay may kalakip ring pag-ibig.
Mananatiling nakatago, at sa kwadernong ito lamang ang iwang saksi, sa pag tingin na akin na lamang itatago ng palihim.
Alam kong hindi pa oras, hindi pa ito ang tamang panahon. Pero maghihintay ako,
Maghihintay ako,sa araw na darating na ang Diyos na lumikha ay tayo ring pagtatagpuin.
Maghihintay sa tamang oras, sa itinakdang panahon. Maghihintay kahit gaano pa ito katagal, dahil alam kong ang Pag-ibig na nais ay ang pag- ibig na iyong kawangis.
Maghihintay ako, sa araw na itatakda kapag ang mga desisyon noon nating mali ay kaya na nating harapin.
Maghihintay ako, kapag ang pagmamahal mo sa Diyos Ama ay higit kaysa sa akin.
Maghihintay ako,kapag handa na ang Panginoon, ibigay ako sayo at ibigay ka sa akin.
Sa ngayon, mahalin natin ang ating sarili, pag handaan ang kinabukasan, magpakalalim sa Pananampalatay, Unahin ang Pag lago higit sa pag layo. Lumapit at kumapit ng napaka higpit ng ang lahat ng sakit ay mapalitan na ng Ngiti.
Ngiti na papawi sa bawat sakit at luha na naidulot ng pilit at hindi pa tamang oras para umibig. ๐
-Kimberly S. Japone ๐