Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ko muna gagawin ang lahat…sa ngayon.

Hindi dahil hindi pa ako handa.
May pinagkakaabalahan lang sa buhay
Ginugugol ang oras sa mga walang kwentang bagay
Kasama ang mga kaibigang tunay
Barkadang walang humpay ang tagay

Hindi dahil natatakot ako.
Handa akong masaktan
Maiwan ng walang dahilan
Tumaya sa tama o sa mali
Sumugal sa kung anong meron tayo
Kahit hindi sigurado

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi dahil ayaw ko pa.
Gusto naman kita
Pero minsan ako’y nagdarasal
Na kapag ako ay magmamahal
Kasama ko dapat hanggang sa altar

Hindi ko muna gagawin ang lahat…sa ngayon.
Hahayaan na muna kitang enjoyin ang iyong season
Hindi ibig sabihin na ikaw pinakakawalan
Gusto ko lang naman iyong lubusang maramdaman
Na kapakanan mo ang laging nasa unahan

Sa ngayon hindi ko muna gagawin ang lahat
Dahil alam ko rin na sarili ko’y hindi pa sapat
Handa naman akong masaktan kung kinakailangan
Ayoko lang sanang ikaw ay maguluhan

Ayaw ko pa dahil hinahanda ko pa ang sarili ko para sayo
Ayaw ko pa dahil alam kong marami ka pang pangarap at plano.
Pero isa lang ang hiling ko
Na kapag handa na akong gawin ang lahat para sayo
Sana handa ka na rin na ibigay ang matamis mong “OO”.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required
DOTA ID : 175280405 LOL : iLLFiNdMySefL Always Alone Never Been Sad. Phileein Lygophilia (Torpe) Ecclesiastes 3:1 For Everything there is a season (NGSB)