What if naging tayo? What if ako ‘yung pinili mo? What if minahal mo rin ako?’
Siguro, mas nakilala pa kita ng mabuti at nakilala mo rin ako.
Siguro, may kanta tayong laging babalik-balikan at may palabas tayong parehong nagustuhan.
Siguro, may lugar na tatatak sa isip natin at may isang araw na ginawa para sa’tin.
Siguro, kilala ko lahat ng kaibigan at pamilya mo, baka tumagal tayong ng ilang taon, o baka buwan, o linggo.
Siguro, pareho tayong may litrato sa kanya-kanya nating phone.
Pero, kahit ga’nun, paano nga kung naging tayo?
Mas nakilala natin ang isat-isa, pero nalaman din natin na hindi tayo pareho ng kinatatayuan.
May kanta tayong laging iiwasan at palabas na laging kamumuhian.
May lugar na iiwasan natin dahil puno ito ng mga alala na gusto nating kalimutan.
May araw na lagi nating hihilingin na mabilis lumisan.
May kaibigan ka na mag-papaalala sa’kin ng tayo at kamag-anak ka na laging itatanong kung kamusta na ako.
May litrato tayo na iiyakan bago burahin.
What if naging tayo?
Mamahalin pa rin kaya kita ng ganito katagal?
Mag-hahanap kaya ako ng papalit sayo pagkatapos ng ilang taon?
Magmamahal pa rin ba ako ng ganito ka sobra?
Paano kung naging tayo?
Mawawalan kaya ako ng pag-asa ‘pag nag-hiwalay na tayo?
Mag-lalaro na rin ba ako tulad ng ibang tao?
Kaya ko ba?
Paano kung ako ang pinili mo?
Mabobored kaya ako kaagad sa’yo?
Marerealize ko kaya na ayaw ko pala mag-commit?
Maiintindihan ko ba na ‘di pala ikaw ang para sakin?
What if minahal mo rin ako?
Mabubuo kaya ‘yung pagkatao ko?
Magiging masaya ka ba sa piling ko?
Tayo kaya talaga?
Ang daming tanong na umiikot sa utak ko tuwing naaalala kita.
Tanong na alam ko ‘di naman masasagot kahit kailan.
Sa isang choice na ‘di mo pinili, maraming kasunod na mga bagay ang naging tanong. Pero, kahit ga’nun, kahit ‘di ako ‘yung naging choice mo, naging masaya naman ako.
Narealize ko na ‘di ko kailangan ng ibang tao para malaman kung sino ako, kung anong halaga ko, kung anong kaya kong ibigay, at kung gaano ako katotoo mag-mahal. Kung naging tayo? Baka nakasalalay na sa iba ang happiness ko. Baka kailangan ko ng ibang tao para maging kompleto. Baka ngingiti lang ako kung may mangangailangan.
What if naging tayo? Siguro, ibang tao ako ngayon. Hindi ko alam kung ikagaganda kaya ng buhay ko ang maging sa’kin ka o hindi, pero sa ngayon, proud ako sa taong ‘di mo pinili.