Puwede ba?
Pwede bang ako muna?
Ako muna ang magpasaya sa’yo
Habang naghihintay ka
Habang ‘di pa dumarating
Habang wala pa siya
Puwede bang ako muna
Promise
Gagalingan ko
Papatawanin kita
Papaiyakin sa kakatawa
Hangga’t maisip mo na lang
Na tinatamad ka na
Tinatamad ka nang antayin siya
Puwede ba?
Puwede bang ako muna?
Taga-bati ng, “Good Morning”
Taga-sabi ng, “Good Night”
Magtatanong ng;
Kumain ka na ba?
Kamusta ang araw mo?
Nag meryenda ka na ba?
O simpleng,
Wag kang magpagutom ha!
Puwede ba?
Puwede ba ako muna?
Ako muna taga-picture mo
Taga-sundo sa eskwela
Taga-hatid pag papasok ka na
Magaling akong kumanta
Kakantahan kita
Hanggang makatulog ka
Magaling ako magsulat
Gagawan kita lagi
Nang love letter at love story
Gusto ko sanang ma-inlove sa’yo
Naalala ko pala
Taga-halili lang ako
Sa lugar na nabakante
Sa lugar na binakante
Sa lugar na mababakante pa
Pero sa ngayon
Ako na muna
Ako na pansamantala
Pag dumating na siya
Pag dumating na siya ulit
Puwede ba?
Puwede bang ikaw na mismo
Ikaw na mismo ang magpaalis sa akin
Para wala akong dahilan
Para di ako kakapit
Para di ako magkakaroon ng pagkakataon
Lagyan mo nang sign
“No Vacancy”
Para di ko na susubukan
Para di na ako mamimilit
Para dadaanan ko na lang
At sabihing, ” Bawal Pala”
Walang bakante sa kanya
Sa ngayon
Pansamantala lang naman
Tanggapin mo yung ipapasa kong “Resume”
Pag tinanong mo ako
“Why Should I Hire You?”
Sasagutin kita
“Why not, bakante naman ‘to”
Puwede ba?
Tatanungin kita ulit
Promise
Di ako ma-iinlove
Pupunuan ko lang ang bakante
Ou, ang binakante
Yung mababakante pa lang
Yung mababakante ulit…
Photo Credit: Google on Display
Parkenstacker…