You always have a special place in my heart,

I was so dumb for believing my heart. Siguro akala ko kasi may mga bagay na pwede naman. Kagaya ng ‘ikaw at ako’.

Gumising nalang ako bigla na napaisip, saan na nga ba hahantong ito?
May ending ba or road to forever itong “malabong-relasyon” na ito?
Ang hirap pala ma-stuck sa ganitong sitwasyon.

Puro ka tanong

“Saan ba ako lulugar”
“Pwede ba akong magselos?”
“Ako lang ba talaga?”
“Ano bang meron na tayo?”

Walang kasiguraduhan
Nag-iintay, nag-aabang
Baka mamaya umamin ka na din
O baka nahulog ka na din….sakin.

Bakit ba hindi nalang linawin?

Kung wala, edi tigil na tayo.
Kung meron, sabihin na sana.

Wala eh, hindi ko magawang magtanong o i-clear ang lahat. Natatakot ako na masabihan ng assuming or masira friendship natin.

Bakit nga ba lagi nalang may takot pagdating sa katotohanan? Ang hirap harapin noh.

Baka kasi hindi talaga, sa totoo masakit.
Pero paano kung Oo? Ang hirap tumaya. Andito nalang, stuck sa mga tanong na sana nagkakaron ng clarification.

Kung dumating ang araw na bigla nalang akong umiwas sana wag mong isipin na hindi na kita gusto kausap. Kasi sa totoo, gusto kita…lalo na pag nakakausap pa. Sana hindi dumating yung araw na akala mo in-ignore kita for life. Kasi sa totoo basta ikaw magiging available ako…to know how’s your day, to laugh at your jokes and listen to your paulit ulit na stories.

Pero salamat kasi lagi mo ako napapasaya. Tinatanggal mo stress ko dahil jan sa mga banat at jokes mo. I admit, corny ka madalas. Tska chini-cheer mo ako lagi pag nad-down ako at pag may mga bagay akong natatakot harapin.

Alam kong wala naman yung “tayo”, masyado lang akong nag-aassume sa setup nating ito. Pero kung dumating nga yung araw na yon, bibigyan ko lang ng space yung sarili ko to heal and remove my feelings for you.

I appreciate my season naman talaga. Dumating lang talaga sa time na “Lord, baka ito na?” testing the waters lang.

Kung wala talaga, alam kong may the best na naka-plano para satin. Hindi mo man alam, sikreto man kitang minamahal, ang prayer ko parin yung ikabubuti mo.

Alam kong kung ikaw man, si God yung magbabago ng puso natin at direction pagdating sa love. Siya ang magbibigay ng kasagutan sa bawat tanong na matagal ko ng gusto ilabas.

Kung dumating yung araw na lumayo nga ako, sana huwag ka magtampo o lumayo din. Babalik naman ako bilang kaibigan mo. Walang wall or feelings na ako para sayo.

Sorry. Wala eh, na-fall ako. Sa totoo, mahal na kita eh.

Kahit ganon, YOU WILL ALWAYS HAVE A SPECIAL PLACE TO MY HEART.

Exit mobile version