Let Go? Paano ka bibitaw kung sa simula pa lang wala kang namang kinakapitan.
Move on? Pero bakit paatras ang lakad mo?
Basag ka nung simula tapos iyon ang bumuo sa iyo?
Nalungkot kasi nawala yung nagpapasaya sa iyo?
Hinahanap mo sarili mo? Nawala ka ba?
Binigay mo ang lahat lahat mo at sa huli nagkulang ka pa rin.
Sinisi mo ang iba’t ibang bagay at tao sa pagkabigo mo.
At ang pinakanakakalungkot ay sinisi mo ang sarili mo.
Wala kang maasahan kahit sarili mo.
Kaya sinasabi mo na lang: Let God.
Pero ano bang “Let God” na yan?
“Bahala na”? Go with the flow?Parang kanal at magpapaagos ka na lang? Wala ka nang gagawin?
Hinahayaan mo ba talaga na Siya ang bumuo sa iyo?
O wala lang.. Sumusunod lang kasi sa uso.
Kelan mo Siya huling kinausap?
Kelan mo Siya huling narinig?
Natatakot ka na baka kulang ka?
Nalilito ka sa ano ba dapat gawin?
Nagdadalawang isip ka baka hindi ka tanggapin?
Hindi ba dahilan yan para mas lalo kang lumapit sa Kanya?
Kahit ikwento mo pa ang lahat ng pinagdaanan mo sa buong mundo.
Mararamdaman mo na hindi nila maiintindihan ang tunay na ikaw.
Kasi kahit ang sarili mo hindi mo maintindihan.
Karapat dapat bang mabuhay ng masaya ang bawat tao?
Mama mo? Papa mo? Kapatid mo? Mahal mo? Anak mo? Ikaw?
Kung babase tayo sa pananaw ng mundo.
Pare-parehas lang tayong hindi karapat dapat.
Lahat kulang.
Lahat basag.
Lahat patapon.
Lahat naliligaw.
Lahat sugatan.
Lahat naghihingalo.
Lahat bigo.
Mamamatay ka na.
Iyon lang ang bumalot sa isip mo.
Bumalot sa buong pagkatao mo.
Kamatayan.
At doon pumatak ang dugo.
Dugo ng inosente.
Dugo na bumuo sa kakulangan mo.
Dugo na binago ang basag sa iyo.
Inosenteng tinanggap ka kahit tinapon ka na
Inosenteng binigyan kang liwanag para makita mo ang daan mo
Inosenteng pinagaling ang bawat sugat mo
Inosenteng nagbigay ng hangin sa masikip mong dibdib
Inosenteng pinagtagumpayan ang lahat ng laban na hindi mo kayang ipanalo
Inosenteng pinagpalit ang buhay para sa taong nagtaboy sa kanya.
Namatay Siya para sa iyo.
Mula sa taas binaba Niya ang sarili para sa iyo.
At kung hindi ito ang tunay na pag-ibig hindi ko na alam kung ano pa
Let God