[August 17, 2015; This first letter was copied somewhere.]

Dear Mr. Future,

Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa ang liham na ito. Hindi kita hihintayin. Hindi ako magi-imagine na one day yayakapin mo at hahalikan sa wedding altar. Hindi ko hahayaan ang sarili kong alipinin ng ideyang darating ka. Ayokong maging assumera at umasa nang wala sa panahon. Hindi ako ang maghihintay sa iyo. Hindi ka rin maghihintay para sa akin. Gusto kong si Papa Jesus ang mag-abot sa akin sa iyo. At nais ko ring Siya rin ang mag-reveal sa iyo kung kailan mo ako liligawan at magiging bahagi ng iyong buhay. Sa ngayon, magpakalalim muna tayo sa ating pakikipagrelasyon sa Panginoon. Unahin ang dapat unahin sa pagtulong sa ating mga mahal sa buhay. Linangin natin ang ating sarili upang maging maayos ang ating puso at isipan. Lahat ay maganda at masarap kapag naganap sa tamang panahon.

Your sister in Christ,
Miss God-lover
 Kali ♥

#SaTamangPanahon
#God’sTime