Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

-Validate your feelings
 
Kahit anong tagal pa ng pinagsamahan: 10 years? 5 years? 1 year? 6 months? 6 weeks? 6 days? 🤔
Kung nasaktan ka, nasaktan ka. Sa kung ano pa mang dahilan, iba man ang may mali, siya man ang may mali, ikaw man mismo ang may mali at kung parehas man kayong mali, ILABAS mo yang nararamdaman mo!
 
Ibigay mo sa sarili mo ang pagkakataong mag-roller coaster ang mga emotions. Normal yan. Do not bottle up everything inside. Iiyak mo kahit pa naka-schedule yan sa isang araw o gabing ikaw lang ang at ang Diyos ang nakaririnig ng hapdi at ng poot. Kung iipunin mo man huwag mong patagalin. Do not prolong your agony. Kapag feel mo na, go! This is not just for the ladies, OK? Gentlemen, kayo rin pwede. Okay din naman maging soft at vulnerable sa mga panahong ‘di na kaya ng puso at isip mo. You are warrior and a warrior princess in the making.
 
Kaya galingan mo sa part na ito at i-try mong hindi na maulit dahil ikaw ay natuto.
 
Papatak man ang mga luha
Sa mga naghalo-halong dahilan
Damdamin ay ‘wag ipagsawalang bahala
Puso’t isip ay magkakaroon din ng kapayapaan.
 
Nanampal ng 3 🌵🌵🌵, ‘wag kang iilag,
Hannah 💓